Bagyong #SarahPH lumakas pa, isa nang Severe Tropical Storm

By Rhommel Balasbas November 21, 2019 - 05:33 AM

Lumakas pa ang Bagyong Sarah matapos maging Severe Tropical Storm ngunit hindi na ito inaasahang tatama pa sa kalupaan matapos mag-‘recurve’ o lumihis.

Ayon sa 5am severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 425 kilometro Silangan Hilagang Silangan ng Aparri, Cagayan o 430 km Silangan ng Basco, Batanes.

Taglay na ito ang lakas ng hanging aabot sa 95 km kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 km bawat oras.

Mabilis ang pagkilis nito sa 25 km kada oras sa direksyong Hilaga Hilagang-Kanluran.

Kahit lumihis ang bagyo, inaasahang lalapit pa rin ito sa Batanes at Babuyan Islands kaya’t nasa ilalim ng Tropical Cylone Warning Signal no. 1 ang naturang mga lugar.

Ngayong araw, mahina hanggang katamtaman na paminsan-minsan ay may kalakasang pag-ulan ang mararanasan sa Isabela, Cagayan (lalo na ang eastern section), Aurora, northern Quezon, Metro Manila at malaking bahagi ng Central Luzon dahil sa low pressure area (LPA) na dating Bagyong Ramon at sa trough ng Bagyong Sarah.

Nakataas ang gale warning at ipinagbabawal pa rin ang paglalayag sa seaboards ng Batanes at Babuyan Islands, Northern at Central Luzon, at western seaboards ng Southern Luzon.

Magandang balita naman dahil walang binabantayang sama ng panahon na magiging bagong bagyo kasunod ng Severe Tropical Storm Sarah.

TAGS: Pagasa, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Severe Tropical Storm Sarah, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, Pagasa, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Severe Tropical Storm Sarah, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.