4 arestado sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Makati

By Rhommel Balasbas November 21, 2019 - 04:53 AM

Timbog ang apat katao kabilang ang isang menor de edad sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Makati City.

Unang ikinasa ang operasyon sa Brgy. Comembo kung saan tatlong lalaki ang inaresto kabilang ang isang menor de edad na estudyante.

Nakuha mula sa tatlo ang walong plastic sachet ng hinihinalang marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng P11,000 at drug paraphernalia.

Sunod namang nagsagawa ng buy-bust sa Brgy. Rizal kung saan natimbog ang isang construction worker.

Kasamahan sa mga trabaho ang parokyano ng mga suspek.

Nakuhaan ito ng aabot sa P1,000 halaga ng marijuana.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

TAGS: buy bust operation, drug war campaign, Makati City Police, Marijuana, buy bust operation, drug war campaign, Makati City Police, Marijuana

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.