M3.5 na lindol yumanig sa Leyte at Cotabato

Niyanig ng parehong magnitude 3.5 na lindol ang Leyte at Cotabato Huwebes ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, alas-3:14 kanina nang tumama ang magnitude 3.5 na lindol sa layong 11 kilometro Hilagang-Kanluran ng Capoocan.

May lalim ang pagyanig na pitong kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity I sa Ormoc City.

Alas-3:34 naman nang yumanig din ang magnitude 3.5 na aftershock sa layong 17 kilometro ng Tulunan.

May lalim naman itong 23 kilometro.

Instrumental Intensity III ang naitala sa Kidapawan City.

Samantala, kaninang alas-12:21 pasado hatinggabi, naitala rin ang magnitude 3.2 na aftershock sa layong walong kilometro Timog-Kanluran naman ng Makilala.

Tectonic ang dahilan ng mga pagyanig na hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian at walang inaasahang aftershocks.

Read more...