Duterte nangakong matatapos ang implementasyon ng AFP modernization
Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of National Defense (DND) na matatapos ang implementasyon ng modernization programs para sa militar bago matapos ang kanyang termino.
Sa talumpati sa 80th anniversary ng DND sa Camp Aguinaldo sa Quezon City, sinabi ng pangulo na makikipagtulungan siya sa Kongreso para ipatupad ang mga batas na magpapalakas sa kakayahan ng militar.
Pinasalamatan ni Duterte ang mga tauhan ng DND sa matagumpay na pagtupad sa mandatong protektahan ang bansa sa anumang mga banta.
“On behalf of a grateful nation, I extend my sincerest thanks to you, the brave men and women of the DND, for successfully carrying out the sacred mandate to defend our country against external and internal threats and ensure peace and security,” ani Duterte.
Ayon sa pangulo, malaki ang papel ng DND sa pag-unlad ng bansa dahil sa pagsiguro sa kaligtasan ng publiko at pagprotekta sa soberanya ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.