Sa talumpati sa 80th anniversary ng Department of National Defense (DND) sa Camp Aguinaldo sa Quezon City, nanindigan ang pangulo na totoo ang drug charges laban sa senadora.
Ayon kay Duterte, ang pinakamalaking insultong natanggap niya mula sa human rights advocates ay ang hindi pagtanggap ng mga ito na totoo ang kaso laban kay De Lima.
Naniwala anya ang rights groups na political prisoner lamang ang senadora.
Ang pahayag ng pangulo ay kasabay ng ika-1,000 araw ni De Lima sa kulungan.
“The greatest insult that I have received from these people is they refused to understand that the case against De Lima is true and accurate. They took the line of the left that she is a political prisoner,” ayon kay Duterte.
Giit ng presidente, tunay na tumanggap si De Lima ng drug money dahil kailangan niya ito sa pagtakbo sa pagka-senador.
“On my oast as President, I’m telling you, it is true. If she really did collect money, why? She was not into business bus ambitions can blind you. That is why you need money to run for senator. You need millions to do that,” dagdag ng pangulo.
Bukod sa drug charges, kinalkal din ni Duterte ang umano’y sex scandal ni De Lima sa kanyang driver kahit nakaupo na bilang Justice secretary.
“She allowed to be filmed when she was having sexual intercourse with her driver, who was the collector. And that picture has been making the rounds. You saw it all,” ayon sa pangulo.
Naghamon pa ang pangulo na ibahagi ang video para patunayan ang kanyang alegasyon.
“Can you really believe a woman like that? Allowing herself… She was then the Justice Secretary. And if you want, I will give the disc to you. Look at the way she slurped after doing it,” dagdag ng presidente.
Nakakulong sa custodial center ng Philippine National Police headquarters sa Camp Crame ang senadora mula February 2017.
Inaakusahan si De Lima na nagpabaya sa pagbaha ng iligal na drogal sa Bilibid noong siya pa ang Justice secretary.
Pero sa pahayag araw ng Miyerkules, sinabi ni De Lima na karangalan para sa kanya ang makulong dahil sa kanyang mga ipinaglalaban.
“Today, 1,000 days since my arrest, I say it again: Karangalan ko po na makulong dahil sa mga ipinaglalaban ko. Palagian po nating tandaan: hindi laging maghahari ang dilim. Our truth defeat their lies,” ani De Lima.