SWS: Tiwala ng mga Pinoy sa China, “bad”; sa US “excellent”

Lumiit pa ang tiwala ng mga Filipino sa China batay sa 3rd Quarter survey ng Social Weather Stations (SWS).

Nagsagawa ng face-to-face interview ang SWS sa 1,800 Filipino adults para malaman ang public trust sa anim na bansa.

Batay sa September 2019 survey, bumulusok sa -33 ang net trust ng mga Filipino sa China (21% much trust, 54 little trust) at nasa kategoryang “bad”, mula sa -24 o “poor” noong June 2019.

Ito na ang pinakamababang net trust sa China mula din sa “bad” o -35 noong June 2018.

Ayon sa SWS, ang net trust ng mga Filipino sa China ay nagpositibo lamang ng 9 na beses sa 51 surveys na isinagawa mula August 1994.

“Excellent” naman o +72 ang net trust ng mga Filipino sa United States (80% much trust, 8% little trust), halos walang kaibahan sa +73 noong June 2019.

Positibo ang net trust ng mga Filipino sa US simula ng isagawa ang survey noong December 1994.

Kapwa nanatili sa sa “good” ang net trust sa Australia at Japan matapos magtala ng +37 at +35.

Nanatili rin sa “moderate” ang net trust ng mga Filipino sa Singapore na nagtala +26 (48% much trust, 21% little trust, correctly rounded).

Bumagsak naman sa “neutral” mula “moderate” ang net trust sa Vietnam na nagtala ng net zero nitong September 2019 (31% much trust, 31% little trust), mula sa +13 noong December 2017.

Read more...