Sundalo, patay sa engkwentro sa Northern Samar

By Angellic Jordan November 20, 2019 - 09:28 PM

Patay ang isang sundalo makaraang makasagupa ang ilang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Northern Samar, Martes ng umaga.

Batay sa ulat, naganap ang bakbakan sa Barangay San Francisco sa bayan ng Las Navas.

Kinilala ang nasawing sundalo na si Pvt. Gabriel Pacal.

Tumagal nang 10 minuto ang palitan ng putok ng baril sa pagitan ng militar at rebeldeng grupo sa lugar.

Agad namang nagkasa ng operasyon ang mga otoridad para mahuli ang mga rebelde.

TAGS: NPA, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.