Yellow rainfall warning, nakataas sa Cagayan

Nakataas pa rin ang heavy rainfall warning sa Cagayan.

Sa abiso ng PAGASA, itinaas ang yellow rainfall warning sa Cagayan partikular sa bahagi ng Baggao, Gonzaga at Santa Ana.

Sinabi ng weather bureau na mataas ang tsana na makaranas ng pagbaha sa mga mabababang lugar.

Iiral pa rin ang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Abra, Apayao (Conner), Cagayan (Alcala, Amulung, Claveria, Enrile, Iguig, Peñablanca, Piat, Rizal, Santo Niño, Santa Praxedes, Solana, Tuao at Tuguegarao City).

Kaparehong lagay ng panahon din ang mararanasan sa mga sumusunod:
– Isabela (Benito Soliven, Cabagan, Delfin Albano, Divilacan, Ilagan City, Maconacon, Mallig, Quezon, Quirino, SanPablo, SantaMaria, Santo Tomas at Tumauini)
– Kalinga (Pinukpuk at Rizal)

Mahina naman hanggang katamtamang pag-ulan ang mararanasan sa Camiguin Island, Apayao (Calanasan, Flora, Kabugao, Luna at Pudtol); Ilocos Norte (Adams, Carasi, Dumalneg ay Pagudpud), Isabela, Kalinga (Balbalan, Lubuagan, Pasil at TabukCity), Mountain Province (Natonin at Paracelis).

Ayon sa PAGASA, mararamdaman ang lagay ng panahon sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.

Inabisuhan ang publiko at disaster risk reduction and management offices na manatiling nakatutok sa pinakahuling lagay ng panahon.

Read more...