Ebidensyang hawak umano ni Enrile, posibleng ‘deadly’ para kay PNoy-Osmeña

By Jay Dones January 20, 2016 - 03:15 AM

 

saf1-660x440Kung totoong may mga ebidensyang handang isiwalat si Senador Juan Ponce Enrile na magpapatunay na pinabayaan ni Pangulong Aquino ang mga napapalabang SAF 44 commandos sa Oplan Exodus, posibleng itong maging ‘deadly’ para sa Pangulo.

Ito ang pananaw ni Senador Sergio Osmeña III sa sinasabing mga bagong ebidensyang pinanghahawakan ni Sen. Enrile kaya’t muling bubuksan ang imbestigasyon sa Mamasapano incident sa January 27.

Paniniwala ni Osmeña, sadyang nais na ‘saktan’ ni Enrile ang Pangulong Aquino sa reinvestigation ng Mamasapano incident bilang ganti dahil sa pagpapakulong ng Punong Ehekutibo sa senador sa isyu ng pork barrel funds.

Wala rin aniya siyang nakikitang ‘political motive’ sa likod ng hakbang na ito ni Enrile.

“I don’t think Johnny cares too much about that. He just cares to hurt PNoy because PNoy put him in the stockade, that’s why. I don’t think he’s doing it in favor of anybody,” pahayag ni Osmeña.

Matatandaang si Enrile, kasama sina Senador Bong Revilla at Jinggoy Estrada ay nadetine sa kasong plunder o pandarambong makaraang maakusahang kumita ng milyon pisong halaga ng kickback mula sa kanilang Pork Barrel funds.

Nakalalaya lamang ang 91-anyos na si Enrile matapos payagang makapagpiyansa ng Korte Suprema.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.