Higit P1B, mawawala sa gobyerno dahil sa ban sa vapes at e-cigarettes
Hindi na itutuloy ng Kamara ang plano nito na patawan ng excise tax ang vape at e-cigarettes.
Ayon kay House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda, aabot naman sa P1.4 bilyon ang kita na mawawala sa gobyerno sa pagtanggal ng buwis sa vape.
Sinabi nito na sa gagawing pagsalang sa bicameral conference committee ng sin tax kung saan kasama sa nais patawan
ng excise tax ang vape at e-cigarettes ay tatanggalin na nila ang nasabing probisyon.
Tiniyak naman nito na hindi naman maaapektuhan ang Universal Health Care Law na siyang makikinabang sa buwis dito.
Paliwanag naman nito, mayroon pang ibang sin products na mapagkukunan ng pondo ng UHC tulad ng tobacco at alcohol o fermented products.
Ipapaubaya naman na ni Salceda ang vape at e-cigarettes sa Department of Health (DOH) bilang health concern na ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.