Timing ng pag-iingay ni Sen. Drilon sa ‘kaldero’ na gagamitin sa SEA GAMES, kwestyunable – Rep. Defensor
Kwetsyunable para kay House Committee on Public Accounts Chair at Anakalusugan Rep. Mike Defensor ang timing ni Senate Minority leader Franklin Drilon sa pagkwestyon sa konstruksyon ng P50 milyong ‘kaldero’ na gagamitin sa South East Asian (SEA) Games.
Ayon kay Defensor, dapat ay noon pa inilabas ni Drilon ang nasabing isyu o kaya naman pagkatapos na ng SEA Games.
Maari aniyang magdemoralisa at lumikha ng atmosphere na hindi kuntento ang mga Filipino sa mga atleta.
Naniniwala din siya na dapat na itigil ang isyu para sa kapakanan ng bansa at wala rin naman makikinabang sa nasabing kontrobersiya.
Nilinaw naman ni Defensor na ang kontrobersya na ‘kaldero’ ay mas mura pa kumpara sa P6 milyon ng Singapore noong 2015 at P85 milyon ng Malaysia noong 2017.
Nauna nang sinabi ni Drilon na ang halagang pinagpagawa ng kaldero ay maaari nang maipagpatayo ng mga eskwelahan sa halip na doon ginastos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.