Pilipinas, napiling mag-host ng Olympic basketball qualifiers

By Kathleen Betina Aenlle January 20, 2016 - 12:05 AM

 

Inquirer file photo

Hindi man nanalo sa bidding para sa pagho-host ng 2019 FIBA World Cup, napili naman ang Pilipinas para ganapan ng isa sa tatlong stages ng Olympic qualifiers.

Inanunsyo sa mismong official Twitter account ng FIBA ang tatlong mga bansang magiging punong-abala para sa qualifiers kabilang na ang Pilipinas, kasama ang Serbia at Italy.

Dahil dito, mas mapapalakas ang suporta para sa Gilas Pilipinas na layong makabawi at makapasok sa 2016 Rio Olympics.

Matatandaang nabigo ang Gilas na patumbahin ang China sa 2015 FIBA Asia Championship noong October na magbibigay sana sa kanila ng sure ticket para sa Olympics.

Bukod sa panalong ito, nasungkit rin ng China ang hosting para sa World Cup noong August.

Tatlong taon na ang nakakaraan nang maging punong-abala ang Pilipinas para sa 2013 FIBA Asia kung saan nakasungkit rin tayo ng silver medal at nakasama sa sumunod na World Cup.

Samantala, iaanunsyo na ang groupings ng mga bansa sa January 26 pagkatapos ng draw na isasagawa ng FIBA.

Gaganapin ang qualifiers dito sa bansa mula July 5 hanggang 11 ng taong ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.