Pumatay sa negosyanteng si Dominic Sytin, hinatulang guilty ng korte

By Ricky Brozas November 20, 2019 - 05:01 PM

FB Photo: Jei Lumanog

Naglabas na ng desisyon ang Olongapo Regional Trial Court (RTC) sa kaso ng itinuturong gunman na bumaril at nakapatay sa negosyanteng si Dominic Sytin noong November 2018.

Sa apat na pahinang desisyon ni Judge Richard Paradeza ng Olongapo RTC branch 72 na may petsang November 20, 2019, hinatulang guilty ng korte si Edgardo Luib, ang self-confessed gunman sa pagpatay kay Dominic Sytin.

Sinentensiyahan ng korte si Luib ng reclusion perpetua sa pagpatay kay Sytin at pagkakakulong ng mula anim na taon hanggang 12 taon para sa bigong pagpatay sa bodyguard ni Sytin na si Efren Espartero.

Una nang nagpasok ng guilty plea sa korte ang suspek na si Edgardo Luib kung saan inamin nito ang pagpatay kay Sytin at ang bigong pagpatay sa bodyguard nito noong November 28, 2018 matapos umano siyang makonsensiya.

Itinuro rin nito ang mastermind sa kaso na si Dennis Sytin na kapatid naman ni Dominic.

Bukod kay Luib, kapwa nito akusado sa kaso sina Alan Dennis Lim Sytin at Ryan Rementilla alyas Oliver Fuentes.

Si Rementilla ang sinasabing nagpakilala sa gunman na si Luib kay Dennis Sytin para patayin si Dominic.

Si Dominic Sytin ang founder at CEO ng United Auctioneers Inc.na binaril sa harap ng Lighthouse Hotel sa Subic Bay Freeport Zone.

TAGS: Dominic Sytin, guilty, Olongapo Regional Trial Court, Dominic Sytin, guilty, Olongapo Regional Trial Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.