DOJ Sec. Guevarra, inendorso bilang SC associate justice

By Ricky Brozas November 20, 2019 - 04:15 PM

Inendorso ng isang retired Sandiganbayan justice si Justice Secretary Menardo Guevarra para sa Supreme Court (SC) associate justice post.

Ito ay matapos magkaroon ng bakanteng puwesto sa SC makaraang mahirang si Chief Justice Diosdado Peralta.

Lumiham sa Judicial and Bar Council (JBC) si retired Sandiganbayan justice at dating Chief Presidential Legal Counsel Raoul Victorino para i-endorso si Guevarra.

Sinabi ni Victorino na panahon na para mailuklok si Guevarra sa kataas-taasang hukuman dahil subok na ang kakayahan, integridad at pagiging patas nito.

Tinukoy din ni Victorino ang magandang track record ng kalihim sa government service lalo na’t ito ay naging second honor sa Ateneo College of Law at 2nd placer sa 1985 Bar examinations.

Si Sec. Guevarra ay 65 years old at siya ay mula sa Malhacan, Meycauayan, Bulacan.

Samantala, tumanggi muna si Guevarra na magkomento bagamat pinasalamat nito si Victorino sa pagtitiwala sa kaniyang kakayahan.

TAGS: Associate Justice, DOJ, Sec. Menardo Guevarra, Supreme Court, Associate Justice, DOJ, Sec. Menardo Guevarra, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.