PNP, naglunsad ng nationwide crackdown vs vapes
Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) officer-in-charge Lt. Gen. Archie Gamboa ang crackdown laban sa paggamit ng e-cigarettes sa buong bansa.
Kasunod ito ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na total ban sa paggamit at pag-import ng vaping devices o e-cigarettes.
Ayon kay Gamboa, mahigpit ang kaniyang bilin sa mga hepe ng istasyon ng pulisya na paigtingin ang presensiya ng mga pulis sa mga pampublikong lugar lalo na sa paligid ng mga paaralan at hulihin ang mga gumagamit ng vape sa no smoking areas.
Kasama sa pababantayan ang mga nagsulputang vape shop para higit na maipatupad ang nais ni Pangulong Duterte.
Dagdag pa ni Gamboa, sakop ng kaniyang direktiba ang mga pulis at aniya, mahaharap ang mga ito sa disciplinary actions kapag sila ay nahuli.
Idineklara na rin na ‘No Vape Zone’ ang lahat ng mga opisina at kampo ng pulis.
Kaya’t panawagan niya sa vape users na tigilan na ang paggamit sa sinasabing magandang alternatibo sa sigarilyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.