Orange rainfall warning nakataas pa rin sa Isabela at maraming bayan sa Cagayan
Sa inilabas na Heavy Rainfall Warning No. 16 ng PAGASA alas 11:00 ng umaga, nakataas pa rin ang orange rainfall warning sa maraming bayan sa Cagayan na patuloy na inuulan dahil sa bagyong Ramon
Sakop ng Orange Warning Level ang Isabela at ang mga sumusunod na mga bayan sa Cagayan:
– Abulug
– Aparri
– Baggao
– Ballesteros
– Buguey
– Claveria
– Gonzaga
– Pamplona
– Peñablanca
– Santa Ana
– Santa Teresita
– Sanchez Mira
Ayon sa PAGASA nananatili ang banta ng flash flood at landslide sa mga nasabing lugar.
Yellow Warning Level naman ang nakataas sa sumusunod na lugar:
– Apayao (Flora, Luna, Pudtol at Santa Marcela)
– Cagayan (Camalaniugan, Gattaran at Lallo)
Nakararanas naman ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa iba pang bayan sa Isabela, ilang bayan sa Abra, Apayao, iba pang bahagi ng Cagayan at mga bayan sa Kalinga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.