Santa Ana at Gonzaga Cagayan nalubog sa baha matapos tumama ang bagyong Ramon

By Dona Dominguez-Cargullo November 20, 2019 - 10:59 AM

Nalubog sa tubig baha ang halos buong bayan ng Santa Ana sa lalawigan ng Cagayan.

Ayon kay Mayor Nelson Robinion ng Santa Ana, nakaranas sila ng flashflood matapos ang pagtaa ng bagyong Ramon sa lalawigan.

Agad nagsagawa ng rescue operations ang lokal na pamahalaan upang mailikas ang mga naiwan pa sa kanilang mga tahanan.

Umapela naman ng tulong para sa karagdagang rubber boats at rescue equipment si Robinion.

Samantala sa bayan ng Gonzaga naman, maraming bahay din ang lubog sa tubig baha.

Partikular na binaha ang Barangay Tapel.

TAGS: Cagayan, flash flood, Gonzaga, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, santa ana, Tagalog breaking news, tagalog news website, Cagayan, flash flood, Gonzaga, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, santa ana, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.