Ayon kay Manila Health Department (MHD) chief Dr. Arnold “Poks” Pangan ang synchronized polio vaccination ay isasagawa sa November 25 (Monday) hanggang December 7 (Saturday).
Sinabi ni Dr. Pangan na hindi lamang sa loob ng barangay hall isasagawa ang pagbabakuna kundi may mga iikot o magtutungo sa mga kabahayan na mga field personel at volunteers para bakunahan ang mga sanggol ng anti-polio
Samantala, naglabas naman ng memorandum si Manila Barangay Bureau (MBB) chief Romeo Bagay na nag-aatas sa lahat ng punong barangay na paigtingin ang kampanya laban sa polio.
Gustong matiyak ni Bagay na 95 percent ng mga batang limang taong gulang pababa ay napatakan o nabakunahan ng laban sa polio sa kanilang lugar .
Sa datos ng MHD nasa 160,000 bata o 81.6% ang nabakunahan na laban sa polio sa panagalawang rounds ng synchronised immunization program ng lokal na pamahalaan lungsod ng Maynila.