LGU sa Maynila magsasagawa na ng ikatlong round ng mass vaccination kontra polio

By Ricky Brozas November 20, 2019 - 10:49 AM

Muling magsasagawa ang lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila ng ikatlong round para sa massive polio vaccination sa lahat ng mga barangay.

Ayon kay Manila Health Department (MHD) chief Dr. Arnold “Poks” Pangan ang synchronized polio vaccination ay isasagawa sa November 25 (Monday) hanggang December 7 (Saturday).

Sinabi ni Dr. Pangan na hindi lamang sa loob ng barangay hall isasagawa ang pagbabakuna kundi may mga iikot o magtutungo sa mga kabahayan na mga field personel at volunteers para bakunahan ang mga sanggol ng anti-polio

Samantala, naglabas naman ng memorandum si Manila Barangay Bureau (MBB) chief Romeo Bagay na nag-aatas sa lahat ng punong barangay na paigtingin ang kampanya laban sa polio.

Gustong matiyak ni Bagay na 95 percent ng mga batang limang taong gulang pababa ay napatakan o nabakunahan ng laban sa polio sa kanilang lugar .

Sa datos ng MHD nasa 160,000 bata o 81.6% ang nabakunahan na laban sa polio sa panagalawang rounds ng synchronised immunization program ng lokal na pamahalaan lungsod ng Maynila.

TAGS: Health, LGU, manila, mass vaccination, PH news, Philippine breaking news, Polio, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, vaccine, Health, LGU, manila, mass vaccination, PH news, Philippine breaking news, Polio, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, vaccine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.