Mahigit 400,000 estudyante naapektuhan ng lindol sa Bukidnon
By Dona Dominguez-Cargullo November 20, 2019 - 10:27 AM
Mahigit 400,000 estudyante ang naapektuhan ng magnitude 5.9 na lindol sa Kadingilan, Bukidnon.
Ayon sa datos ng Department of Education (DepEd) mahigit isang libong eskwelahan ang napinsala ng lindol.
Sa Kadingilan, Bukidnon, 26 na paaralan ang nakitaan ng pinsala.
May mga klase rin sa Bukidnon na hindi pa nakapagre-resume mula nang tumama ang malakas na lindol noong Nov. 18.
Pinayuhan naman ng DepEd ang mga apektadong DepEd Regions at Divisions na magsumite ng Rapid Assessment of Damages Report.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.