Sweldo ng mga kasambahay sa Metro Manila inirekomendang itaas sa P5,000

By Dona Dominguez-Cargullo November 20, 2019 - 10:01 AM

Inirekomenda ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa National Capital Region ang pagtataas ng sweldo sa mga kasambahay sa Metro Manila.

Mula P3,500 ay maaring tumaas sa P5,000 ang minimum wage ng mga kasambahay sa National Capital Region.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III na “economic condition” ang ginamit na basehan ng Wage Board sa NCR sa mga panukalang dagdag sahod sa mga kasambahay.

Ikinunsidera din ani Bello ang paying capacity ng mga employer o amo ng mga kasambahay.

Naniniwala si Bello na kakayanin ng employers magpasahod ng hanggang P5,000 sa kanilang kasambahay.

Katunayan ayon kay Bello mayroon ngang mga employer na nagpapasahod ng hanggang P10,000 sa kanilang mga kasambahay.

Nakatakdang isumite sa National Wages and Productivity Board ang naurang panukala ng wage board para maaprubahan.

Sa sandali namang aprubahan na ng National Wage Board ay isasapubliko muna ito bago maging ganap na epektibo.

Ani Bello, maaring bago matapos ang taon ay maging epektibo na ang P5,000 minimum na sweldo ng mga kasambahay sa Metro Manila.

TAGS: DOLE, kasambahay, minimum wage, National Capital Region, National Wage Board, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, wage hike, wage increase, DOLE, kasambahay, minimum wage, National Capital Region, National Wage Board, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, wage hike, wage increase

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.