Pagpapa-deport sa mga babaeng Chinese na biktima ng human trafficking sinimulan na ng BI
Naipa-deport na sa China ang dalawa sa 51 babaeng Chinese Nationals na biktima ng human trafficking at nasagip ng mga otoridad sa isang Spa sa Baclaran, Paranaque noong Setyembre.
Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval, tatlo ang unang nag-apply ng voluntary deportation pero kailangan pa ng NBI clearance ang isa.
Samantala, ang 48 iba pa ay nagsumite na ng kanilang aplikasyon para sa voluntary deportation.
Kapag naiproseso at nakumpleto ang kanilang mga dokumento ay makakauwi na sa kanilang mga pamilya ang mga babaeng chinese.
Setyembre pa sila nasa kostudiya ng isang non-government organization na katuwang ng DSWD para sa pagkupkop sa mga babaeng biktima ng human trafficking.
Kailangan silang maipadeport agad dahil sa ilalim ng batas sa bansa, 59 na araw lang dapat na manatili dito ang mga nasasagip na human trafficking victims.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.