P1.4M na tulong sa mga nasalanta ng bagyong Ramon naipamahagi na ng DSWD
May nakahanda nang mahigit P17 million na halaga ng stockpiles, raw materials at standby funds ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Region 2.
Ayon sa DSWD Region 2 office, maliban sa mahigit P3 million na standby funds ay handa na rin ang food items na ipamamahagi sa mga nasalanta ng bagyong Ramon.
Kabilang sa apektado ang Cagayan at Isabela.
Nakapagpamahagi na ng P720,000 na halaga ng family food packs ang DSWD sa mga nasa evacuation centers at P697,831 na halaga ng non-food items.
Ang mga non-food item ay kinabibilangan ng sleeping bags, sleeping kit, tents, folding bed, kulambo, solar lamp, kandila at iba pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.