Bagyong Ramon lalo pang humina isa na lang tropical storm; magiging LPA na lang sa susunod na 24 na oras

Lalo pang humina ang bagyong Ramon at ngayon ay isa na lamang tropical storm.

Ayon sa PAGASA, sa susunod na 24 na oras ay tuluyang hihina ang bagong Ramon at magiging isang Low Pressure Area na lamang.

Huling namataan ang bagyo sa bisinidad ng Tuguegarao City alas 7:00 ng umaga ng Miyerkules, Nov. 20.

Kumikilos ito sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong southwest.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging umaabot sa 85 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 140 kilometers poer hour.

Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 2 sa sumusunod na lugar:

– Batanes
– Cagayan kabilang ang Babuyan Islands
– Apayao
– Kalinga
– Abra
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur

Signal number 1 naman sa Northern portion ng Isabela kabilang na ang:

– Sta. Maria
– San Pablo
– Maconacon
– Cabagan
– Sto. Tomas
– Quezon
– Delfin Albano
– Tumauini
– Divilacan
– Quirino
– Roxas
– Mallig
– San Manuel
– Burgos
– Gamu
– Ilagan City

Gayundin sa:

– Mountain Province
– Benguet
– Ifugao
– La Union
– Pangasinan

Mararanasan pa rin ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa sumusunod na lugar:

– Babuyan Islands
– Apayao
– northern portion ng Ilocos Norte

Mahina hanggang katamtamang pag-ulan din ang mararanasan sa:

– Ilocos Sur
– Abra
– Kalinga
– Mt. Province
– Ifugao
– Isabela
– at nalalabing bahagi ng Ilocos Norte

Read more...