Orange warning nakataas pa rin sa maraming bayan sa Cagayan

By Dona Dominguez-Cargullo November 20, 2019 - 08:43 AM

Patuloy na nakararanas ng malakas na pag-ulan sa maraming bayan sa Cagayan.

Sa inilabas na heavy rainfall warning ng PAGASA alas 8:00 ng umaga ng Miyerkules, Nov. 20 ay nakataas ang orange warning sumusunod na bayan sa Cagayan:

– Abulug
– Aparri
– Baggao
– Ballesteros
– Buguey
– Claveria
– Pamplona
– Santa Ana
– Santa Teresita
– Santa Praxedes
– Sanchez Mira

Ayon sa PAGASA, maaring makaranas ng pagbaha sa mga mabababang lugar at pagguho ng lupa sa landslide-prone areas.

Habang yellow warning level naman ang umiiral sa sumusunod na lugar:

– Apayao (Flora, Luna, Pudtol at Santa Marcela)
– Cagayan (Camalanuigan, Gattaran at Lallo)

Nakararanas din ng katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa mga bayan ng Calanasan, Conner at Kabugao sa Apayao at sa Allacapan, Lasam, Rizal at Santo Niño sa Cagayan.

Mahina hanggang sa katamtamang buhos ng ulan naman ang nararanasan sa Camiguin Island; mga bayan ng Bangued, Bucay, Lacub, Langiden, Licuan-Baay, Luba, Manabo, Malibcong, Penarrubia, Pidigan, Pilar, SanIsidro, SanQuintin, Tineg, Tubo at Villaviciosa sa Abra; Alcala, Amulung, Enrile, Iguig, Penablanca, Piat, Solana, Tuao at Tuguegarao City sa Cagayan; Adams, Carasi, Dumalneg, Pagudpud at Vintar sa Ilocos Norte; Burgos, Cabagan, Delfin Albano, Divilacan, Gamu, Ilagan City, Maconacon, Mallig, Quezon, Quirino, Roxas, San Pablo, Santa Maria, Santo Tomas at Tumauini sa Isabela; Kalinga; at mga bayan ng Natonin at Paracelis sa Mountain Province.

Pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa nabanggit na mga lugar.

TAGS: Orange Warning Level, Pagasa, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, yellow warning level, Orange Warning Level, Pagasa, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, yellow warning level

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.