Halos 7,000 residente apektado ng bagyong Ramon sa Cagayan

Halos pitong libong residente sa lalawigan ng Cagayan ang naapektuhan ng bagyo.

Ayon sa Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), sa 19 na munisipalidad sa lalawigan, aabot sa 6,943 katao ang apektado o katumbas ng 2,678 na pamilya.

Sa nasabing bilang, 5,661 na katao o 1,876 na pamilya ang nananatili pa sa mga evacuation center.

Mayroong 112 evacuation centers kung saan inilikas ang mga naapektuhang pamilya mula sa 103 mga barangay.

Wala naman pang napaulat na nasaktan o nasawi sa Cagayan dahil sa bagyong Ramon.

Read more...