Halos 7,000 residente apektado ng bagyong Ramon sa Cagayan

By Dona Dominguez-Cargullo November 20, 2019 - 08:29 AM

Halos pitong libong residente sa lalawigan ng Cagayan ang naapektuhan ng bagyo.

Ayon sa Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), sa 19 na munisipalidad sa lalawigan, aabot sa 6,943 katao ang apektado o katumbas ng 2,678 na pamilya.

Sa nasabing bilang, 5,661 na katao o 1,876 na pamilya ang nananatili pa sa mga evacuation center.

Mayroong 112 evacuation centers kung saan inilikas ang mga naapektuhang pamilya mula sa 103 mga barangay.

Wala naman pang napaulat na nasaktan o nasawi sa Cagayan dahil sa bagyong Ramon.

TAGS: #RamonPH, Cagayan, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, typhoon effects, weather, #RamonPH, Cagayan, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, typhoon effects, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.