M3.3 na aftershock naitala sa Tulunan, Cotabato
By Dona Dominguez-Cargullo November 20, 2019 - 08:08 AM
Nakapagtala ng magnitude 3.3 na aftershock sa Tulunan, Cotabato.
Ayon sa Phivolcs ang pagyanig ay naganap sa layong 19 kilometers southeast ng Tulunan.
Naganap ang lindol alas 7:49 ng umaga ng Miyerkules, Nov. 20.
May lalim lang na 1 kilometer ang pagyanig at tectonic ang origin nito.
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.