Bagyong #SarahPH papalapit na rin ng northern Luzon; maraming lugar sa Cagayan isinailalim sa Signal No. 1
Bahagyang bumagal ang kilos ng Tropical Depression Sarah habang kumikilos papalapit sa Northern Luzon.
Ayon sa 5am severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 510 kilometro Silangan Hilagang Silangan ng Virac, Catanduanes o 750 km Silangan ng Infanta, Quezon.
Kumikilos ito pa-Hilagang Kanluran sa bilis na 25 km kada oras.
Ayon sa PAGASA, magiging Tropical Storm ang Bagyong Sarah sa loob ng 12 oras.
Ang mga lugar na nasa Tropical Cyclone Signal no. 2 para sa Bagyong Ramon ay nasa signal no. 1 na para sa Bagyong Sarah.
Narito ang mga lugar na nasa signal no. 1 para sa Bagyong Sarah:
Eastern portion of Cagayan:
• Aparri
• Baggao
• Alcala
• GattaranLal-lo
• Tuguegarao City
• Penablanca
• Iguig
• Amulung
• Santa Teresita
• Camalaniugan
• Santa Ana
• Gonzaga
• Buguey
• Ballesteros
• at Calayan
northeastern portion of Isabela:
• Divilacan
• Tumauini
• Cabagan
• Maconacon and San Pablo
Bukas (Nov. 21), may epekto na ang Bagyong Sarah sa Batanes, Cagayan, northern Isabela at Ilocos Norte kung saan mararanasan ang katamtaman hanggang madalas na malalakas na pag-ulan.
Mahina hanggang katamtaman na may panaka-nakang malalakas na ulan din ang mararanasan sa northern portion ng Aurora, Apayao, Kalinga, Abra, nalalabing bahagi ng Isabela at Ilocos Norte.
Pinag-iingat ang mga residente sa posibilidad ng landslides at flashfloods.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.