Duterte may bilateral meetings sa sidelines ng ASEAN-SoKor commemorative summit

By Rhommel Balasbas November 20, 2019 - 02:45 AM

Magkakaroon ng bilateral meetings si Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang state leaders sa sidelines ng ASEAN-South Korea commemorative summit.

Sa press conference sa Malacañang, Martes ng gabi, sinabi ng pangulo na main agenda sa mga pulong ay ang mga bagay na may kinalaman sa seguridad.

“Security talaga. And it is obvious, it now the equilibrium of geopolitics”, ani Duterte.

Kabilang sa mainit na mga isyu ngayon sa geopolitics ay ang North Korea, Spratly Islands at pag-okupa ng China sa South China Sea.

Hindi naman binanggit ng pangulo kung sinong state leaders ang kanyang makakapulong.

Una nang sinabi ng Malacañang na maaaring magkaroon ng bilateral meeting sina Duterte at South Korean President Moon Jae-in.

Ang ASEAN-SoKor Commemorative Summit ay magaganap sa Busan sa November 25 hanggang 27.

TAGS: ASEAN-South Korea commemorative summit, Bilateral Meetings, Busan, November 25-27, Rodrigo Duterte, security matters, south korea, ASEAN-South Korea commemorative summit, Bilateral Meetings, Busan, November 25-27, Rodrigo Duterte, security matters, south korea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.