Ilang bayan sa Cagayan nawalan ng kuryente matapos tumama ang bagyong Ramon

By Dona Dominguez-Cargullo November 20, 2019 - 05:36 AM

Walang suplay ng kuryente sa ilang bayan sa Cagayan dahil sa pagtama ng bagyong Ramon.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines, ilang customer na sinusuplayan ng kuryente ng CAGELCO II ang nawalan ng kuryente.

Alas 3:31 ng madaling araw ng Miyerkules, Nov. 20 nang magkaroon ng power interruption sa nasasakupan ng Magapit-Camalaniugan 69kV line.

Habang alas 2:52 naman ng madaling aaw nang mawalan ng kuryente sa sakop ng Magapit-Sta. Ana 69kV Line.

Ayon sa NGCP sa sandaling bumuti ang lagay ng panahon agad magsasagawa ng inspeksyon at restoration sa mga linya na naapektuhan ng bagyo.

TAGS: #RamonPH, Cagayan, PH news, Philippine breaking news, power service interruption, Radyo Inquirer, santa ana, Tagalog breaking news, tagalog news website, typhooneffect, weather, #RamonPH, Cagayan, PH news, Philippine breaking news, power service interruption, Radyo Inquirer, santa ana, Tagalog breaking news, tagalog news website, typhooneffect, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.