Bagyong #RamonPH humina, naging severe tropical storm matapos tumama sa lupa

By Rhommel Balasbas November 20, 2019 - 05:23 AM

Humina ang Bagyong Ramon matapos tumama sa Santa Ana, Cagayan kaninang alas-12:20 ng hatinggabi.

Ayon sa 5am severe weather bulletin ng PAGASA, isa na lamang Severe Tropical Storm ang bagyo at patuloy na kumikilos sa ibabaw ng Cagayan.

Huling namataan ang bagyo sa bisinidad ng Baggao, Cagayan.

Taglay na lamang nito ang lakas ng hanging aabot sa 100 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 165 km bawat oras.

Kumikilos ito sa bilis na 10 km bawat oras sa direksyong Timog-Kanluran.

Wala nang nakataas na Tropical Cylone Warning Signal (TCWS) no.3 at signal no.2 na lamang ang nakataas sa:
• Batanes
• Cagayan including Babuyan Islands
• Apayao
• Kalinga
• Abra
• Ilocos Norte
• at Ilocos Sur

Nasa ilalim naman ng Signal no. 1 ang:
• Northern portion ng Isabela (Sta. Maria, San Pablo, Maconacon, Cabagan, Sto. Tomas, Quezon, Delfin Albano, Tumauini, Divilacan, Quirino, Roxas, Mallig, San Manuel, Burgos, Gamu at Ilagan City)
• Mountain Province
• Benguet
• Ifugao
• La Union
• Pangasinan

Ngayong araw, mahina hanggang katamtaman na minsan ay may madalas na malakas na pag-ulan ang mararanasan sa Batanes, Cagayan kasama ang Babuyan Islands, Apayao at northern portion ng Batanes.

Mahina hanggang katamtaman na may panaka-naka ring malakas na pag-ulan ang mararanasan sa Ilocos Sur, Abra, Kalinga, Mt. Province, Ifugao, northern portion ng Isabela at nalalabing bahagi ng Ilocos Norte.

Pinag-iingat ang mga residente sa posibilidad ng flashfloods at landslides.

Ayon sa PAGASA, posible ang coast flooding at bawal ang paglalayag sa mga lugar na nasa TCWS, maging sa seaboards ng:
• southern Isabela
• Camarines Norte
• Catanduanes
• western seaboard ng Zambales
• Bataan
• Occidental Mindoro
• Palawan
• at northern seaboard ng Camarines Sur

TAGS: moving inland over Cagayan, Pagasa, Ramon weakens, Severe tropical storm, moving inland over Cagayan, Pagasa, Ramon weakens, Severe tropical storm

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.