Sa isang pahayag araw ng Martes, sinabi ng diyosesis na nanghihingi ng donasyon ang scammer.
Gumawa ng Facebook account ang swindler at ipinangalan kay Bishop David.
Ayon sa scammer, gagamitin ang donasyon sa pagbili ng isang bagong tabernakulo na ilalagay sa Bishop’s house.
Panawagan ng DOK, sakaling may matanggap na kahalintulad na message sa FB messenger ay huwag itong paunlakan.
Matatandaang noong Oktubre, isang online scammer din mula naman sa Nigeria ang nagpanggap na si Cebu Archbishop Jose Palma.
Nakakulimbat ang naturang scammer ng aabot sa US$3,900 o halos P199,000.
MOST READ
LATEST STORIES