Diocese of Kalookan nagbabala ukol sa scammer na nagpapanggap bilang si Bp. David

By Rhommel Balasbas November 20, 2019 - 05:01 AM

Nagbabala ang Diocese of Kalookan (DOK) sa publiko ukol sa isang scammer na ginagamit ang pangalan ni Bishop Pablo Virgilio David.

Sa isang pahayag araw ng Martes, sinabi ng diyosesis na nanghihingi ng donasyon ang scammer.

Gumawa ng Facebook account ang swindler at ipinangalan kay Bishop David.

Ayon sa scammer, gagamitin ang donasyon sa pagbili ng isang bagong tabernakulo na ilalagay sa Bishop’s house.

Panawagan ng DOK, sakaling may matanggap na kahalintulad na message sa FB messenger ay huwag itong paunlakan.

Matatandaang noong Oktubre, isang online scammer din mula naman sa Nigeria ang nagpanggap na si Cebu Archbishop Jose Palma.

Nakakulimbat ang naturang scammer ng aabot sa US$3,900 o halos P199,000.

TAGS: Bishop Pablo Virgilio David, Diocese of Kalookan, scammer, Swindler, Bishop Pablo Virgilio David, Diocese of Kalookan, scammer, Swindler

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.