Ayon kay Manila Police District Station 4 Investigation Section chief Pol. Capt. Alrey Bundalian, parehong nakainom ang suspek at ang biktima.
Tiningnan umano ng suspek nang masama ang kapatid na babae ng biktima at nauwi ito sa komosyon.
Nasaksak sa dibdib ng suspek ang biktima at agad itong isinugod sa ospital ngunit binawian din ito ng buhay.
Depensa ng suspek, gumanti lamang siya dahil una siyang sinuntok ng biktima.
Patuloy ang imbestigasyon ng MPD Station 4 sa insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.