Cabanatuan judge idineklarang ‘persona non grata’ sa Baguio City

By Rhommel Balasbas November 20, 2019 - 04:19 AM

Idineklarang ‘persona non grata’ ng Baguio City council si Cabanatuan judge Nelson Lagro.

Mismong si Baguio Mayor Benjamin Magalong ang humiling para ideklarang persona non grata ang hukom.

Ito ay makaraang maglabas ng subpoena si Lagro laban sa dalawang traffic enforcers na humuli sa kanya dahil sa illegal parking sa loob ng Baguio Market.

Nilabag din ng Cabantuan judge ang city number coding ordinance.

‘Unanimous’ ang boto ng city council sa Resolution no. 429-2019 na nagdedeklarang persona non grata na si Lagro sa kanilang lungsod.

Noong Biyernes, sumulat si Magalong kay Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta para aksyunan ang anya’y ‘unprofessional and arrogant’ na si Lagro dahil sa ginawang pagtrato sa traffic enforcers.

Nanindigan ang alkalde para sa kanyang mga tauhan dahil ginagawa lang ng mga ito ang ang kanilang trabaho.

TAGS: baguio city, Baguio Mayor Benjamin Magalong, Cabanatuan judge Nelson Lagro, persona non grata, baguio city, Baguio Mayor Benjamin Magalong, Cabanatuan judge Nelson Lagro, persona non grata

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.