M3.6 na lindol naitala sa Batangas

Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang bahagi ng Batangas ala-1:02 Miyerkules ng madaling-araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 11 kilometro Timog-Kanluran ng Calatagan.

May lalim ang pagyanig na 120 kilometro at tectonic ang dahilan.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...