Bagyong #SarahPH tinutumbok din ang N. Luzon

By Rhommel Balasbas November 20, 2019 - 12:07 AM

Napanatili ng Tropical Depression Sarah ang lakas nito at may kabilisan ang pagkilos sa East Philippine Sea.

Ayon sa 11pm severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 570 kilometro Silangan ng Virac, Catanduanes.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 km bawat oras.

Mabilis ang kilos nito sa 35 km bawat oras sa direksyong Hilagang-Kanluran.

Ayon sa weather bureau, tulad ng Bagyong Ramon, tinutumbok ng Bagyong Sarah ang Northern Luzon area at posibleng mag-landfall sa Huwebes ng gabi.

Posibleng magtaas na ng Tropical Cyclone Wind Signal no.1 sa Cagayan at Isabela sa susunod na bulletin.

Inaasahang lalakas pa ang bagyo at magiging Tropical Storm sa loob ng 12 oras.

TAGS: #SarahPH, Pagasa, to landfall over Northern Luzon area, Tropical Depression "Sarah", #SarahPH, Pagasa, to landfall over Northern Luzon area, Tropical Depression "Sarah"

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.