Natural born status ng mga foundlings ibinasura ng mga delagado sa 1934 Constitutional Convention

By Den Macaranas January 19, 2016 - 07:39 PM

PoeSC1
Inquirer file photo

Ipinaliwanag ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na hindi maituturing na natural-born Filipino ang isang foundling o pulot na bata sa ating bansa sa ilalim ng 1935 Constitution.

Sa kanyang pagtatanong sa abogado ni Sen. Grace Poe na si Atty. Alexander Poblador, sinabi ni Carpio na mali ang interpretasyon ng abogado ng mambabatas nang sabihin nito na sakop ng International law ang kaso ni Poe.

Naunang sinabi ni Poblador na ginamit na argumento ni dating Constitutional Convention (Concon) delegate Manuel Roxas ang isang International law na nagsasabing ang isang batang napulot sa isang partikular na bansa ay otomatikong kikilalanin bilang citizen o mamamayan ng naturang bansa.

Ipinaliwanag ni Carpio na ibinasura ng mga delegado ang nasabing proposal at walang ganoong International law noong mga panahong iyun.

Kapuna-puna naman na biglang tumayo sa kanilang mga upuan at lumabas ng session hall ng Supreme Court sina Poe at ang aktres na si Susan Roces nang magsimulang magtanong si Carpio kay Poblador.

Nang tanungin ng mga mamamahayag, sinabi ni Poe na huwag nang bigyan ang malisya ang kanyang pagtayo habang nagsasalita si Carpio dahil kailangan na niyang bumalik sa Senado para dumalo ng sesyon.

 

TAGS: Carpio, comelec, Philippine Constitution, poe, Supreme Court, Carpio, comelec, Philippine Constitution, poe, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.