Sen. Frank Drilon, naliwanagan na sa P50-M ‘SEA Games kaldero’

By Jan Escosio November 19, 2019 - 10:20 PM

Kuha ni Fritz Sales

Mismong si House Speaker Alan Peter Cayetano ang humarap sa Senado para ipaliwanag ang pinagkagastusan sa paghahanda sa hosting ng Pilipinas sa 30th SEA Games.

Naipaliwanag ni Cayetano kay Senate Minority Leader Franklin Drilon ang mga gastos matapos mag-mosyon si Sen. Christopher ‘Bong’ Go, ang sponsor sa budget ng Philippine Sports Commission, na direktang pasagutin ang mga opisyal ng sporting body.

Paliwanag ng pinuno ng Kamara, sa polisiya ng SEA Games, dapat ang Olympic committee ng host nation o isang private foundation ang mangunguna sa preparasyon.

Sinabi ni Cayetano na si Pangulong Duterte ang nagsabi na huwag nang ipahawak sa Philippine Olympic Committee ang SEA Games dahil abala na ito kayat ipinasa ang responsibilidad sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee o PHISGOC.

Ukol sa kinuwestiyon ni Drilon na ‘cauldron,’ iginiit ni Calderon na hindi luho ang ginawa ng arkitektong si Bobby Mañosa dahil aniya ito ay simbolo, obra at monumento para sa Pilipinas at idinagdag pa ng mas malaki pa ang budget ng ibang bansa sa kanilang ‘cauldron.’

Pagtitiyak naman ni Go na sinuri niya nang husto ang budget ng PSC at siya na mismo ang hihirit ng imbestigasyon kapag may anomalya sa paggamit ng pondo.

TAGS: 30th SEA Games, Alan Peter Cayetano, Cauldron, Sen. Franklin Drilon, Senado, 30th SEA Games, Alan Peter Cayetano, Cauldron, Sen. Franklin Drilon, Senado

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.