Isang MTPB enforcer, sinibak dahil sa pangingikil

By Angellic Jordan November 19, 2019 - 10:17 PM

MANILA PIO PHOTO

Sinibak sa pwesto ang isang Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) enforcer dahil sa pangingikil.

Ayon sa Manila Public Information Office (PIO), kinumpirma ni MTPB chief Dennis Viaje ang pagsibak sa enforcer na nakuhanan ng video na tumatanggap ng pera para mangotong sa isang motorista.

Ani Viaje, nakatalaga ang hindi pinangalanang enforcer sa UN Avenue corner Taft Avenue sa ilalim ng MTPB Section 5.

Inilabas ang video sa Facebook ng netizen na si Love Laurena noong Lunes, November 18.

Nag-viral ang video ng pangongotong matapos i-anunsiyo ni Manila Mayor Isko Moreno ang pag-promote bilang regular na empleyado kay traffic enforcer Adrian Lim na kinaladkad ng isang kotse noong November 16.

TAGS: Dennis Viaje, kotong, MTPB, pangingikil, Dennis Viaje, kotong, MTPB, pangingikil

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.