PLDT, pumalag sa sisi ng PECO kaugnay sa mga sunog sa Iloilo City

By Erwin Aguilon November 19, 2019 - 07:04 PM

Pumalag ang pamunuan ng PLDT sa Visayas matapos ibagsak sa kanila ng Panay Electric Company (PECO) ang sisi sa mga nangyaring sunog sa Iloilo City.

Kasabay nito, tinawag na sinungaling ni PLDT Vice President for Visayas Rene Lescano ang PECO matapos sabihin sa publiko na ang telcos ang dapat sisihin sa mga nangyaring sunog sa poste.

Ang nasabing sunog ang naging basehan ng reklamo ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas sa Energy Regulatory Commission (ERC).

Giit naman dito ng PECO, sa 709 ng mga sunog sa poste ng kuryente sa Iloilo, mula 2017 hanggang nitong Oktubre ng taong ito ang 571 ay sa mga telco.

Habang sinabi pa ng PECO na sa 138 posteng pag-aari ng PECO na nasunog ay dahil sa messenger wire na nakakunekta sa electricity wire ng PECO.

Giit ni Lescano, wala itong katotohanan dahil 2,000 ang poste na pag-aari nila sa Iloilo city habang 800 lang ang gawa sa kahoy kumpara sa 30,000 poste na pag aari ng PECO.

Nilinaw rin ni Lescano na ang sunog ay dahil sa electrical wires ng PECO at hindi nagsimula sa poste.

Nanindigan rin ito na ang messenger fire na nakakunekta sa poste ng PECO ay walang kuryente na maaaring pagmulan ng sunog.

Sang-ayon rin ito sa findings ng Bureau of Fire Protection (BFP) na ang electricity wire ng PECO na may mataas na boltahe ang dahilan ng sunog st hindi ang wire ng mga telco o cable.

TAGS: BUsiness, iloilo city, peco, pldt, BUsiness, iloilo city, peco, pldt

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.