Panukala ni Robredo na bumuo ng technical working group para i-review ang war on drugs, suportado ng DILG

By Angellic Jordan November 19, 2019 - 06:31 PM

Suportado ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang panukala ni Vice President Leni Robredo na bumuo ng technical working group para i-review ang kampanya kontra sa ilegal na droga.

Inihayag ito ng kagawaran matapos ang pulong ni Robredo bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) kasama ang ilang opisyal, kabilang si DILG Secretary Eduardo Año, Martes ng umaga.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na kailangang iayon ang lahat ng magiging pagbabago sa mga ipinatutupad na batas at polisiya na isusumite sa Kongreso.

Naging mahaba at maayos naman aniya ang nasabing pulong ni Robredo at ilang kawani ng DILG.

Inihayag din aniya ni Robredo ang suporta sa Community Based Drug Rehabilitation Program.

Pinahahalagahan din aniya ng DILG ang inisyatibo ni Robredo para maisangkot ang iba pang sektor tulad ng Simbahang Katolika at iba pa para sumuporta sa war on drugs campaign.

Tiniyak din nito kay Robredo ang kooperasyon ng DILG at mga kaakibat na ahensya para mapagtagumpayan ang tungkulin bilang ICAD co-chair.

TAGS: DILG, Vice President Leni Robredo, war on drugs campaign, DILG, Vice President Leni Robredo, war on drugs campaign

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.