Mga maling diskarte ni VP Robredo, dahilan para hindi bigyan ng Cabint rank ni Pangulong Duterte

By Chona Yu November 19, 2019 - 05:14 PM

Nagpaliwanag ang Palasyo ng Malakanyang sa hindi pagbibigay ng Cabinet rank ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo matapos italagang co-chairman ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, ang mga “missteps” o maling diskarte ni Robredo ang naging dahilan ng pangulo.

Halimbawa na lamang, ayon kay Panelo, ang pakikipag-pulong ni Robredo sa dayuhang personaldiad at mga foreign institution na mayroon nang panghuhusga na nauwi na umano sa extrajudicial killings ang war on drugs ni Pangulong Duterte.

Kamakailan lamang, nakipagpulong si Robredo sa mga kinatawan ng Amerika, United Nations Office on Drugs and Crime at iba pang community-based group.

Maling diskarte rin aniya ang ginawa ni Robredo nang mag-demand ng unlimited access sa mga classified information.

Hindi naman aniya ibinibigay kahit kanino, maging sa mga cabinet members, ang maseselang impormasyon.

Ayon kay Panelo, para kay Pangulong Duterte, napaka-delikado na mahawakan ni VP Robredo ang mga sensitibong dokumento lalo pa at may tendency si Robredo na magbahagi sa iba ng mga impormasyong hindi dapat naipakakalat dahil baka mabulilyaso ang operasyon ng mga awtoridad.

Naniniwala aniya ang pangulo na masisira ang diskarte ng pamahalaan kung maibubuyangyang at nababasa ng mga sindikato ng ilegal na droga ang bawat kilos ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kampanya kontra ilegal na droga.

TAGS: cabinet rank, ICAD, Rodrigo Duterte, Sec. Salvador Panelo, Vice President Leni Robredo, War on drugs, cabinet rank, ICAD, Rodrigo Duterte, Sec. Salvador Panelo, Vice President Leni Robredo, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.