Balitang galing sa Pilipinas ang mga baril na ginamit sa Jakarta terror attack, tsismis ayon sa AFP

By Ruel Perez January 19, 2016 - 03:59 PM

Indo attack
AP photo

Mananatiling tsimis o hearsay lamang ayon sa Armed Forces of the Philippines ang napaulat na galing sa Southern Philippines ang ilan sa mga armas na ginamit umano sa Jakarta terror attack noong isang linggo.

Ito’y hanggang wala silang natatanggap na official report na magpapatibay sa nasabing impormasyon.

Ayon kay AFP spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, ikinukunsidera nilang alegasyon at tsismis lang ang lumabas na report hanggang wala silang nakikitang basehan sa nabanggit na balita.

Kung mayroon man aniya silang matanggap na opisyal na report mula sa pamahalaang Indonesia hinggil dito ay saka sila magsasagawa ng verification at imbestigasyon sa isyu.

Nauna dito ay sinabi ni Indonesian National Police spokesman Anton Charliyan na galing sa Pilipinas ang mga nakuha nilang mga baril mula sa limang napatay na mga terorista sa kanilang mga ginawang raids sa Jakarta.

Magugunitang walo ang patay kabilang na ang limang mga suspects sa kanilang ginawang terror attack sa business hub ng Jakarta noong isang linggo na siyang nagtulak para itaas din ang alert level sa ating bansa.

TAGS: AFP, indonesia, Jakarta, PNP, AFP, indonesia, Jakarta, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.