4 sundalo patay, 7 sugatan sa aksidente sa Samar

By Angellic Jordan November 19, 2019 - 02:31 PM

Photo credit: Google Maps

Patay ang apat na sundalo sa naganap na aksidente sa Paranas, Samar Martes ng umaga.

Sa datos ng Samar Police Provincial Office, nabangga ang Toyota Hilux truck kung saan nakasakay ang mga biktima ng isang tricycle sa national highway sa Barangay Apolonia bandang 9:00 ng umaga.

Una kasing nabangga ang tricycle ng isang van dahilan para mapadpad ito sa kabilang lane na binabagtas ng Toyota Hilux truck.

Pitong sundalo pa ang sugatan sa aksidente.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Paranas Municipal Police Station ukol sa aksidente.

TAGS: Paranas, Samar, sundalo, Paranas, Samar, sundalo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.