NCRPO, halos 100 porsyento nang handa para sa SEA Games

Photo grab from Pio Ncrpo’s Facebook live video

Inihayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na halos 100 porsyento na silang handa para sa 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Sa isang press briefing, sinabi ni NCRPO acting director Brig. Gen. Debold Sinas na send-off ceremony na lamang ang kulang sa kanilang preparasyon.

Sinabi ng opisyal na mahigit-kumulang 15,000 ma opisyal ng NCRPO ang ipakakalat para matiyak ang kaligtasan ng mga atleta at delegado sa SEA Games.

Tinitignan din aniya ang timing ng pag-dispatch ng mga K9 unit sa 19 sports venue upang mapaigting ang seguridad.

Dagdag pa nito, makikipag-tulungan ang kanilang hanay sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa sitwasyon ng trapiko.

Gaganapin ang SEA Games mula November 30 hanggang December 11.

Read more...