Klase at trabaho sa Pasay City, suspendido sa Dec. 2

Photo grab from Pasay City Public Information Office’s Facebook page

Suspendido ang pasok sa mga paaralan at trabaho ng pamahalaang lokal sa Pasay City sa December 2, 2019.

Sa abiso ng Pasay City Public Information Office (PIO), ito ay kasunod ng pagdiriwang ng 156th Foundation Day ng lungsod.

Samantala, hindi naman kasama sa suspensiyon ng pasok ang mga ahensya na tumutugon sa basic and health services, disaster response at iba pang vital services.

Base sa Republic Act No. 11140, idineklara ang December 2 kada taon bilang special non-working holiday sa Pasay.

Nilagdaan ang nasabing batas ni Pangulong Rodrigo Duterte noong November 9, 2018.

Read more...