1 patay, 11 nawawala sa nasunog na bangka sa South Korea

By South Korea November 19, 2019 - 01:55 PM

Natagpuang walang malay ang isang mangingisda sa nasunog na bangka sa South Korea, araw ng Martes.

Ayon sa mga opisyal ng Korea coast guard, nasunog ang bangka sa karagatang sakop ng southern island ng Jeju bandang 7:00 ng umaga.

Dinala pa ng mga rescuer ang biktima sa ospital ngunit nasawi rin kalaunan.

Samantala, ayon kay coast guard official Lee Geun-han, lulan ng bangka ang anim na South Korean crew members, kabilang ang isang nasawi, at anim na iba pang Vietnamese.

Aniya, nawawala ang 11 crew members matapos ang insidente.

Nagkasa na ang coast guard at navy ng search and rescue operations gamit ang kanilang mga bangka, helicopter at patrol plane sa lugar.

TAGS: Jeju, south korea, Jeju, south korea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.