Tax provision sa panukalang pagpapatayo ng OFW Hospital lusot na sa komite sa Kamara

By Erwin Aguilon November 19, 2019 - 12:12 PM

Lusot na House Committee on Ways and Means ang panukala na gawing libre ang buwis sa pagpapatayo ng ospital para sa Overseas Filipino Workers.

Sa ilalim ng inaprubahang House Bill 168 magiging exempted sa donor’s tax ang pagtatayo ng OFW hospital sa ilalim ng Section 7 ng panukalang batas.

Ang lahat ng grants, donasyon at kontribusyon na makakalap mula sa sino mang indibdiwal o kumpanya para maitayo ang OFW hospital ay magiging tax exempted.

Hindi rin pagbabayarin ng value-added tax at customs duties para sa importation ng medical equipment at machineries, spare parts, at iba pang medical equipment na ekslusibong gagamitin sa operasyon ng pagamutan.

Nauna na rito pinagtibay na ng komite sa Kamara ang panukala na lumilikha sa OFW hospital.

TAGS: breaking news, House Bill 168, House of Representatives, OFW Hospital, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website, breaking news, House Bill 168, House of Representatives, OFW Hospital, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.